Totoo nga naman na ang mga bagay na nais ng Panginoon ay mangyayari kahit ano pa mang pigil ang gawin natin. Ilock man natin ang pinto- padlock, double lock, kadena o tanikala pa man ang gamitin ay sadyang mabubuksan ito. Kahit ano pa man ang mangyari, dapat tayong magpasalamat at maging kontento. Hindi lahat ng tao ay kasing palad natin na nakakilala sa Diyos.

Hindi ba't mas maganda at nakakapagpasaya ang mga bagay na bigla na lamang dumadating kaysa sa mga bagay na inaasahan natin? Madalas dito nagmumula ang lubos na makakapagpasaya sa atin.

Masarap isipin na mas "bongga" ika nga ang plano ng Panginoon sa atin kaysa sa mga hinihiling natin sakanya. Kaya't wag tayong malulungkot kung hindi Nya pinagbigyan ang hiling natin, maghintay lang tayo at siguradong mayroong mas magandang ibibigay sa atin ang Diyos.Ü

Comments (0)